Wolves nakipagkasundo kay Turiaf

MINNEAPOLIS -- Nakipagkasundo ang Minnesota Timberwolves kay free agent center Ronny Turiaf.

Ang 30-anyos na si Turiaf ay lumagda sa isang two-year, $3.2 million contract.

Pinipilit pa ng Timberwolves na muling mapapirma si restricted free agent Nikola Pekovic.

Ang 6-foot-10 na si Turiaf ay naglaro noong nakaraang season para sa Los Angeles Clippers at nagtala ng mga averages na 1.9 points, 2.3 rebounds at 10.5 minutes sa 65 games.

 

Show comments