Dalembert nakipagkasundo sa Mavs

DALLAS -- Nakipagkasundo ang Dallas Mave-ricks kay Samuel Dalembert (Dal’-em-behr), na magiging kanilang pang limang starting center sa nakaraang limang seasons.

Sinabi ni Mavericks owner Mark Cuban sa mga reporters sa NBA summer league sa Las Vegas noong Miyerkules ng gabi na pumayag si Dalembert na lumagda sa kanila.

Ang 6-foot-11 na si Dalembert ay kilalang isang defensive-minded center na may mga career averages na 8.0 points, 8.1 rebounds at 1.8 blocked shots per game.

Ang mga naging sentro ng Dallas ay sina Erick Dampier noong 2009-10 kasunod sina Tyson Chandler, Brendan Haywood at Chris Kaman.

Show comments