Stoudemire inimbitahang lumaro para sa Israel national team

ERUSALEM -- Inimbitahan ng pangulo ng Israel si New York Knicks star Amare Stoudemire para maglaro sa kanilang national basketball team dahil sa kanyang pagkakaanib sa Judaism.

Nakipagkita si Shimon Peres kay Stoudemire noong Huwebes at tinalakay ang charity efforts ng huli.

Nagtungo na si Stoudemire, sinabing mayroon siyang dugong Hebrew  sa Israel noong bago siya hikayatin ni Peres na tulungan ang kanilang national team.

Noong Hunyo ay sumama ang six-time NBA All-Star sa isang grupong gustong bumili sa Hapoel Jerusalem, isang koponan sa top league ng Israel.

Show comments