Mga Kenyan ang nanguna sa Manila Bay Clean-Up Run

MANILA, Philippines - Sina John Chebii, Julius Kiptalan at Joel Cheprwony ng Kenya ang nanguna sa 21km race ng nakaraang Manila Bay Clean-Up Run, habang sina Joan Jepkorir, Lee Anne Escano at Nyla Bautista naman ang nagwagi sa women’s division.

Sa 10km race, nanalo sina Josphat Too, Allud Kering, at Philip Tabut kasama ang mga babaeng sina Flordeliza Donces, Luisa Raterta at Mischelle Gilbuena.

Sa mga tumakbo ng 5km, sina Rafael Poliquit, Mervin Guarte, Oscar Miguel Mapalo, Dalyn Carmen, Catherine Bristol at Michelle Spielberg naman ang nakakuha ng medalya.

Sa 3K run, sina Michael Bacong, Gilbert Laido at Winly Maulas, kasama sina  Nalyn Raterta, Mary Ann Dela at Mae Ann Gongob ang mga nagwagi.

Ang Manila Bay Clean-Up Run ay proyekto ng Manila Broadcasting Company, sa pakikipagtulungan ng mga lungsod ng Maynila at Pasay, kasama ang suporta ng Globe Telecom, Golden Oats, 2Go, Alpen Libe, Cobra Energy Drink, M.Lhuillier, Lomotil at Islands Souvenirs.

 

Show comments