MANILA, Philippines - Patuloy na magpapa-hinga ang star player at lider ng UST Tigers na si Jeric Teng matapos makitaan na mayroon siyang slight anterior labrum tear sa kanang balikat.
Matatandaan na tinulak sa likod si Teng ni Jeoffrey Javillonar sa laban ng Tigers at National University na napagwagian ng Bulldogs noong Hulyo 10.
Maluwag sa dibdib na tinanggap ni Teng ang balitang ito kasabay na rin ng pagpapatawad sa ginawa sa kanya ni Javillonar.
“Also sad to find out that my injury came from d push. Intentional or not, I forgive him. Who am I not to forgive,†wika ni Teng sa kanyang Twitter.
Hindi na nakapaglaro si Teng sa laban ng UST at UE pero hindi ito naram-daman ng Tigers dahil sa mga career highs nina Karim Abdul, Aljon Maria-no at Eduardo Daquioag tungo sa 88-77 tagumpay.
Tiwala naman si UST coach Alfredo Jarencio na patuloy na magpapakita ang iba pang manlalaro niya sa koponan pero aminado siyang kailangan niya si Teng lalo na kapag uminit na ang laban sa second round.
“Pahinga lang ang kailangan niya. Hopefully by second round ok na siya, Kailangan namin siya dahil bibigat na ang mga laban,†wika ni Jarencio.