MANILA, Philippines - Itatakbo ngayon ang ikatlo at huling leg sa 2013 Philracom Triple Crown Championship at ang Spinning Ridge ay magtatangka na maging double leg winÂner na gagawin sa San Lazaro Leisure Park sa CarmoÂna, Cavite.
Si John Alvin Guce ang sasakay uli sa Spinning Ridge na dinomina ang 1,800-metro 2nd leg ng Triple Crown noong nakaraang buwan sa Santa Ana Park sa NaÂic, Cavite.
Walong iba pang kabayo ang magtatangkang pigilan ang second leg winning at itala ang pangalan sa mga kuminang sa premyadong karera para sa mga edad tatlong taong gulang na mga kabayo.
Ang Borj Kahlifa na pumangalawa sa huling Triple Crown ay inaasahang magiging palaban din sa 2,000-metro distansyang karera na magkakaloob ng P1.8 milyon mula sa P3 milyong premyo sa mananalo.
Si Jonathan Hernandez ang sasakay sa kabayong laÂhok ni Hermie Esguerra para asahan na mas magiÂging palaban ang Borj Kahlifa.
Ang iba pang kasali ay ang Sky Dragon (AB AlcaÂsid Jr.), Boss Jadan (JB BaÂcaycay), Alta’s Finest (MA Alvarez), Big Leg (JB Guce), Fourth Dan (RO Niu Jr.), Hot And SpiÂcy (JT Zarate) at Jazz ConÂnection (FM Raquel Jr.).
Bago ito, may 11 kaÂbayo ang magÂhahabol ng panalo sa Hopeful Stakes race na paglalabaÂnan sa 2,000-metro disÂtanÂsya.
Mangunguna rito ang El Libertador na hindi piÂnalad na makaporma sa unang dalawang yugto ng Triple Crown.
Si Hernandez din ang saÂkay sa kabayong pag-aÂari ni Mandaluyong City MaÂyor Benhur Abalos at hanap nila ang panalo at maiÂuwi ang P600,000.00 unang gantimpala sa karerang nilagyan ng P1 milÂyong premyo.