MANILA, Philippines - Kinailangan uli ng Cagayan Valley na magpakatatag para makumpleto ang 16-25, 25-18, 20-25, 25-15, 15-13, five sets panalo sa PCSO-Bingo Milyonaryo sa pagpapatuloy ng Philippine Super Liga Invitational kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Hindi napigil ng mga blockers ang dalawang dikit na atake ni Joy Benito para basagin ang huling tabla sa 13-all at isulong ang karta sa 2-0.
“Ipinaalala ko sa kanila na 15 puntos lang ang pinaglalabanan sa fifth set kaya magtulong-tulong sila sa loob,†wika ni coach Nestor Pamilar.
Si Benito, nakasama sa five-peat champion ng San Sebastian sa NCAA volleyball mula 2007 at back-to-back MVP ng liga noong 2009 at 2010, ay tumapos taglay ang 15 kills at 1 block tungo sa 18 puntos.
Ang huling dalawang puntos ay ginawa ni Benito matapos ang isang play na kung saan nadulas siya para makatabla ang Bingo Mil-yonaryo na nalaglag sa 0-2 baraha.
Nagparamdam din ang TMS-Philippine Army ng kanilang puwersa matapos iuwi ang 25-22, 25-15, 25-27, 25-18, panalo sa Cignal sa unang laro.
Magkasalo ngayon ang dalawang koponan sa 1-1 karta at ang Lady Troopers ay humugot ng 16 puntos kay Nerissa Bautista bukod pa sa 15 at 11 kina Joanne Bunag at Michelle Carolino.
Si Venus Bernal ay mayroong 24 puntos pero inin-da ng Cignal ang 38 errors para mabigong sundan ang panalo sa Petron sa una nilang laro.