1st round draft pick Olynyk pumirma sa Celtics

BOSTON – Pinapirma ng Boston Celtics si 7-footer Kelly Olynyk, ang kanilang first-round draft pick.

Nakipag-trade ang Celtics noong nakaraang buwan para makuha ang 13th overall pick na ginamit kay Olynyk na nagpakitang gilas sa kanyang summer league debut nitong Linggo sa pagtatala ng  25 points sa  95-88 pagkatalo ng Celtics sa Houston Rockets.

Ibinigay ni Celtics general manager Danny Ainge ang kanilang No. 16 pick at dalawang future second-rounders sa Dallas Mavericks para makuha si Olynyk.

Show comments