Mavs kinuha agad si Calderon

DALLAS – Agad kumilos ang Mavericks nang hindi nila nakuha si Dwight Howard matapos makipagkasundo kay free agent point guard Jose Calderon sa four-year, $28 million contract, ayon sa source.

Ang pagkuha ng starting point guard ay top priority para sa Dallas matapos ang nabigong paghahabol kay Howard.

Si Calderon ay lumaro ng pitong taon sa Toronto bago siya na-trade ng Raptors sa Detroit noong January.

Show comments