3-year deal kay Jefferson sa Bobcats

CHARLOTTE -- Nakipagkasundo na ang Bobcats sa isang three-year, $40.5 million contract para kay free agent center Al Jefferson mula sa Utah Jazz.

Tatanggap si Jefferson ng $13.5 milyon sa bawat taon ng naturang kontrata, habang ang ikatlong season ay magsisilbing player option.

Ang 28-anyos na si Jefferson ang magbibigay sa Bobcats ng scoring threat sa low post kung saan sila nahirapan noong nakaraang season.

Nagtala ang 6-foot-10 at 289-pound na si Jefferson ng mga averages na 18.8 points at 10 rebounds per game sa huling pitong seasons niya.

Sa kanyang huling season na ikatlo niya para sa Jazz, nagposte siya ng mga averages na 17.8 points, 9.2 rebounds at 2.1 assists.

Show comments