Rios may sapat na lakas sa laban vs Pacquiao

MANILA, Philippines - Naniniwala si Brandon ‘Bam Bam’ Rios na hindi siya mawawalan ng lakas sa kanilang banggaan ni Manny Pacquiao sa The Venetian Macao Resort Hotel sa Macau, China sa Nobyembre 24 (Nobyembre 23 sa US).

Kumpara sa mga naunang nakaharap ni Pacquiao (54-5-2, 38 KOs), aakyat si Rios (31-1-1, 23 KOs) sa welterweight division para labanan ang Sarangani Congressman sa isang non-title fight.

“I’m going to feel stronger,” wika ni Rios sa panayam ng Hustle Boss. “At 140 (pounds), I felt good. At 147 (pounds) I’m going to feel even stronger. I’m going to feel strong and I just can’t wait until the fight.”

Sa mga nakaraang laban ni Pacquiao, nagkakasundo sila ng kanyang kalaban sa catchweight.

Sa kanilang catchweight bout ni Oscar Dela Hoya, nanalo si Pacquiao via eight-round stoppage noong Disyembre ng 2008.

Inaasahan ni Rios na ang dating Manny Pacquiao ang kanyang makakaharap.

“We’re just going to be ready for the best Manny Pacquiao. The one that was beating everybody. The one that was on top of the world. We got to be ready for that type of Manny,” ani Rios.

Parehong nagmula sa kabiguan sina Pacquiao at Rios noong nakaraang taon bago ang kanilang paghaharap.

Nabigo si Pacquiao kay Timothy Bradley, Jr. via split decision noong Hunyo 9, 2012 at pinatulog siya ni Juan Manuel Marquez sa sixth round sa kanilang ikaapat na paghaharap noong Disyembre 8.

Natalo naman si Rios kay Mike Alvarado via unanimous decision loss sa kanilang rematch noong Marso 30, 2012.

Show comments