Kung hindi uubra kay Howard, si Smith ang kukunin ng Rockets

MANILA, Philippines - Sinabihan ng Houston Rockets ang Atlanta Hawks free-agent forward na si Josh Smith sa kanilang meeting nitong Lunes sa  Los Angeles na aalukin siya ng kontrata kung hindi nila mapapapirma si Los Angeles Lakers free-agent center Dwight Howard, ayon sa source ng Yahoo! Sports.

Naiintindihan naman ni Smith ang posisyon ng Rockets at hindi sumama ang loob niya.

Hindi pa nakikipagkita si Smith sa Atlanta Hawks, na maaaring mag-alok ng sign-and-trade deal para makakuha ng magandang kapalit niya.

Nakipag-usap na rin si Smith sa Detroit Pistons na tumagal ng limang oras matapos magbukas ang free-agent market.

Maaari pa siyang makipag-usap sa ibang team.

Show comments