MANILA, Philippines - Hindi lamang para sa nalalapit na Southeast Asian Games sa Myanmar magpapadala ang Philippines ng mga atletang totoong may tsansang manalo ng gold medal, kundi sa mga susunod pa.
Magpapadala ang Pinas ng hindi na hihigit pa sa 200-atleta sa Myanmar sa December na sinasabing pinakamaliit na delegasyon ng bansa sa SEA Games.
“The purpose is to send only those with good chances for the gold,†sabi ni Philippine Olympic Committee president Jose Cojuangco.
Posibleng magpatuloy ito sa susunod pang edisyon ng biennial event kung saan kadalasang nagpapadala ang Philippines ng 500 athletes o higit pa.
Para siguraduhing lumiit ang bilang ng delegasyon, hindi na ipatutupad ng POC ang ‘have-money-will-travel’ policy kung saan may tsansa ang isang athlete o teams na sumali sa SEA Games kahit hindi pumasa sa criteria.
Ang mga apektado ay ang mga team sports gaya ng football, dragon boat, volleyball o maging ang baseball o softball.
Ayon sa Philippine Sports Commission, ang sa-ngay ng gobyerno na nagbibigay ng pondo sa sports, hindi na sila gagastos para sa team sports na walang malinaw na tsansa sa gold.
Hindi na gagastos ang PSC sa koponang bubuuin ng 20 hanggang 40 atleta bukod pa sa officials kung hindi rin lang naman siguradong mananalo ng gold.
“This should have been done a long time ago. Now we have designed a criteria where those who will compete will really go for the gold,†wika ng PSC chief. “It’s no longer the number or the quantity but the quality. We will only send our top athletes. The SEA Games is no longer meant for exposure.â€
Ngunit hindi nangangahulugang hindi na popondohan ng PSC ang mga overseas training at exposure ng mga athletes.