Durant may bagong signature shoes

WASHINGTON, D. C. – Ilulunsad ng three-time NBA scoring champion na nakilala sa kanyang kaha-nga-hangang mga tira, ang kanyang ikaanim na Nike signature shoe sa two-day media tour kung saan darating ang mga global press sa kanyang bayang Seat Pleasant, Maryland.  Magiging punung-abala ang Oklahoma City Thunder forward Kevin Durant sa event na selebrasyon ng kanyang buhay  na katatampukan ang unang pagpapakita ng kanyang sapatos.

Nakatakdang harapin nina Durant at Nike shoe designer Leo Chang ang press sa magkahiwalay na interview sa tour.  Dumating ang mga media dito noong isang araw kung saan ang kumatawan ng Philippines ay sina Mico Halili ng Slam Magazine at Joaquin Henson ng The Philippine STAR.

Sisimulang ibenta ang sapatos sa July 3 sa pres-yong $130. Naiiba ito sa mga unang limang editions ng sapatos ni Durant.

Show comments