MANILA, Philippines - Sinisisi ni Floyd Mayweather, Jr. si Manny Pacquiao kung bakit hindi natuloy ang kanilang inaabangang super fight.
“The Pacquiao fight didn’t happen in the past,†sabi ni Mayweather sa panayam ng Boxing News. “It didn’t because it wasn’t my fault. I feel like every fighter should go through the same obstacles that I go through.â€
Tatlong beses bumagsak ang negosasyon ng mga kampo nina Pacquiao (54-4-2, 38 KOs) at Mayweather (44-0-0, 26 KOs) dahil sa isyu sa prize money at pagsailalim sa random-style Olympic drug testing.
Ang huling pag-uusap ng 34-anyos na si Pacquiao at ng 36-anyos na si Mayweather ay nangyari noong Pebrero ng 2012 kung saan hindi pumayag si ‘Pacman’ sa hatiang 40-60 sa premyo.
Natalo si Pacquiao kay Timothy Bradley, Jr. via split decision noong Hunyo 9, habang pinatulog naman siya ni Juan manuel Marquez sa sixth round sa kanilang ikaapat na pagtatagpo noong Dis-yembre 8, 2012.
Nakatakdang labanan ni Pacquiao si Brandon Rios sa isang non-title, welterweight bout sa Nobyembre 23 sa The Venetian sa Macau, China, samantalang sasagupain naman ni Mayweather si Saul Alvarez sa Setyembre 14 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Ang pananatiling walang talo ang prayoridad ni Mayweather sa pagsagupa kay Alvarez bukod pa sa pagsira sa 49-0 marka ng boxing legend na si Rocky Marciano.
“Don’t ask me about breaking no records. We take one step at a time, one fight at a time. Once we reach 49 [and 0] that’s what it is,†ani Mayweather.
Ang huling tinalo naman ni Mayweather ay si Robert Guerrero via unanimous decision noong Mayo 4 para sa WBC welterweight crown.