MANILA, Philippines - Hindi makakaapekto ang pagkakapili ni UE coach David “Boysie†ZaÂmar bilang assistant coach ng Barangay Ginebra sa gagawing kampanÂya ng Red Warriors sa 76th UAAP men’s basketÂÂball na magbubukas na sa Sabado sa Mall of Asia AreÂna sa Pasay City.
“I just want to make an official announcement that UE Warriors is ready for the UAAP. I am also reassuring the management that I am 200 percent committed to UE. I want to settle the issue,†wiÂka ni Zamar sa isinagawang thanksgiving party ng UE sa mga mamamaÂhayag matapos ang pagÂkaÂpanalo sa Filoil pre- seaÂson league kahapon sa Manila Yacht Club sa RoÂÂxas Boulevard.
Kinumpirma ni Zamar ang offer na ibinigay paÂÂÂra mapasama sa Gin Kings ngunit sinabi din ng Âmentor na malinaw din ang naging usapan na ang priority niya sa ngayon ay ang Red Warriors na nais bumangon mula sa pang-pitong puwestong pagÂÂtatapos sa nagdaang UAAP Âseason.
“Wala rin akong nakiÂkitang conflict sa nangyaÂri. Si (UST) coach Pido Jarencio na assistant din ng PetÂron, si (FEU) coach Nash Racela sa Talk N’ Text. Sinabihan din ako na ang priority ko ngayon ay ang UE at pupunta-punÂta lang ako sa mga pracÂtices kung maluwag ang iskedyul,†paliwanag pa ni Zamar.
Apat na titulo ang napanalunan ng UE matapos ang 75th UAAP season at winakasan ito sa tagumÂpay sa Father Martin at ang Filoil pre-season tournaments.
Ang magandang ipinakita ay dagdag kumpiyansa sa mga manlalaro at kay Zamar na magiging maganda ang gagawing laÂban ng koponan.
“Open race ngayon at lahat ng teams, kasama kami, ay palaban sa Final Four. We were seventh place last year so what do you expect from the plaÂyers than to try to go up. Magiging ipokrito rin ako kung sasabihin ko na hindi ko inaasam na maÂkapasok sa Final Four. KaÂpag umabot na kami doÂon, ang sunod na target naÂÂmin ay Finals,†wika pa ni Zamar.
Noong nakaraang season bumalik si Zamar sa UE na huli niyang pinagsilbihan noong 2001 hanggang 2003.
Sa unang upo niya bilang head coach, nakapasok ang Warriors sa Final Four noong 2002 at 2003.
Naniniwala si Zamar na taglay ng koponan ang manlalarong makakaduplika sa naabot niya isang dekada na ang nakalipas.
“Noon, meron kaming James Yap, Ronald Tubid, NiñÂo Canaleta, Paolo Hubalde at Rob Labagala. PeÂÂro wala kaming sentro kaÂya donut team kami. NgaÂyon meron kaming Charles Mammie,†pagÂmaÂmalaki ni Zamar.
May taas na 6-foot-7 si Mammie at makakatulong niya sa 76th season sina Roi Sumang, Jay-Ar Sumido, Lord Casajeros at dating national youth player rookie Mario Bonleon.
Sa opening day ay maÂkakalaban ng UE ang FEU sa ganap na alas-2 ng hapon.