Marquez lalabanan si Pacquiao kung sa Mexico gagawin

MANILA, Philippines - Ilang beses nang si­nabi ni Juan Manuel Mar­quez na hindi na ni­ya lalabanan si Manny Pac­quiao sa pang-limang pag­kakataon.

Ngunit sa kanilang press conference ni Ti­mo­thy Bradley, Jr. sa Be­verly Hills Hotel ay nag-iba ng isip si Marquez.

Ayon kay Marquez, ma­giging 40-anyos sa Agosto, ikokonsidera ni­ya ang muling pakikipag­harap sa 34-anyos na si Pacquiao kung sa Mexico ito gagawin.

“We offered that to Team Pacquiao and they re­jected it,” wika ni Marquez. “If the Pacquiao team tells me they want to fight in Mexico, yes, I will fight him.”

Pinatulog ni Mar­quez si Pacquiao sa sixth round sa kanilang ikaapat na pagtatagpo noong Dis­yembre 8, 2012 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Matapos ito ay sinabi ng Mexican four-division champion na hindi na ni­ya lalabanan ang Filipino world eight-division tit­list.

“I want to keep that feeling forever,” sabi ni Marquez sa ginawa niyang pagpapabagsak kay Pac­quiao.

Kapwa inayawan nina Marquez at Bradley ang pakikipagkita kay Pacquiao ngayong taon.

Itataya ni Bradley ang kanyang suot na WBO wel­terweight crown na ina­gaw niya kay Pacquiao noong Hunyo 9, 2012 laban kay Marquez sa Oktubre 12.

Show comments