MANILA, Philippines - Tulad ng ibang multi-billion-dollar sports league, ang NBA ay laging naghahanap ng paraan para may maipauso sa fans at madagdagan ang kanilang kita.
Nitong 2013, ang Golden State Warriors ang nagpasimuno ng bagong apparel merchandising: alternate jerseys na may manggas at hindi ternong shorts.
Isinuot ng Warriors ang unipormeng ito sa ilang games nitong katatapos lamang na season na pinagtawanan ng ilan.
Hindi pa ito tanggap ng marami ngunit hindi ito na-ging dahilan para hindi uli subukan ng Adidas at ng NBA na ipagamit sa ibang team para sa 2013-14 season.
Ayon sa ESPN, may limang teams ang inaasahang gagamit ng bagong style na ito ng uniporme matapos alukin ang lahat ng team na idagdag ito sa kanilang mga uniporme.