Clippers kailangang magbigay pa ng draft pick para makuha sina Garnet at Rivers sa Celtics

MANILA, Philippines - Para makuha ng Los Angeles Clippers si Kevin Garnett at coach Doc Rivers at makatulong sa kanilang hangaring makuha ang unang NBA championship, kailangan nilang idagdag sa package ang  first-round draft pick sa Boston Celtics, ayon sa sources ng Yahoo! Sports nitong Lunes ng gabi.

Nagpakita ng interes ang  Celtics na makumpleto ang negosasyon para makuha si DeAndre Jordan at ang two first-round draft picks, ayon sa source.

Handa ang  Clippers na ibigay sa Celtics si Jordan at isang draft pick, ngunit ayaw nilang pumayag sa second future pick, sabi ng source.

Planong mag-usap uli ng dalawang teams nitong Martes at ang maselang negosasyon ay maaaring magtagal sa draft pick compensation, ayon sa isang source.

Kailangang bayaran ng Clippers ang $3.5 million trade kicker sa kontrata ni Jordan at mag-finalize ng agreement kay Rivers na five-year deal na nagkakahalaga ng tinatayang $35 million, ayon sa source.

Show comments