Dapudong asam ang titulo; Maraon nabigo kay Payano

MANILA, Philippines - Pipilitin ni super flyweight contender Edrin ‘The Sting’ Dapudong na maagaw kay Gideon Bu­thelezi ng South Africa ang suot nitong Internatio­nal Boxing Organization title ngayon sa Emperors Palace sa Johannesburg.

Tinalo ni Buthelezi si Da­pudong para sa IBO title noong Nobyembre 10, 2012 sa nasabi ring venue.

Itinakda ng IBO ang na­sabing rematch matapos mailusot ni Buthele­zi ang isang split decision win kontra kay Da­pudong.

Naipanalo ng South Af­rican ang naturang laban sa kabila ng pagpapa­tumba sa kanya ni Dapu­dong sa ninth round.

Kasalukuyang tangan ni Dapudong ang 28-5-0 win-loss-draw ring record kasama ang 16 KO, ha­bang taglay ni Buthelezi ang kanyang 13-3-0 (4 KO’s) slate.

Samantala, nabigo naman si Filipino bantamweight Jundy Maraon na makalapit sa pinapangarap niyang title bid.

Ito ay matapos siyang mapabagsak ni two-time Olympian na si Juan Carlos Payano ng Dominican Republic sa seventh round ng kanilang WBA title eli­minator sa New Jersey.

 

Show comments