Gilas Pilipinas binawian ang LSU-Baltai

MANILA, Philippines - Binawian ng Gilas Pi­li­pinas ang LSU-Baltai sa pamamagitan ng 90-88 sa kanilang two-week training camp sa Lithuania.

Umiskor si natura­lized player Marcus Douthit ng 22 points, habang nagdag­dag ng tig-10 mar­kers si­na Jimmy Alapag, Jayson Castro at Gary David.

Nakatakda pang laba­nan ng Gilas ang Bis­trono Jazz-Diremta kagabi.

“Barely beat d young LSU team playing w/out imports, 90-88. They fi­nished 2nd to last in Lith 1st Div,” wika ni Gilas coach Chot Reyes sa kanyang Twitter account.

Nauna nang tinalo ng LSU-Baltai ang Gilas Pilinas, 89-86, sa kanilang unang pagtatagpo noong na­karaang Lunes.

“Got LSU back, but wow on their tall, quick release shooters. They were shooting over our outstretched arms. Tough game. Luckily, we converted on the crucial plays in the end game,” wika naman ni assistant coach Josh Reyes sa kanyang Twitter page.

Muling pinaulanan ng Lithuanians ang Gilas ng mga three-point shots sa kanilang rematch.

Ngunit nanatiling ma­tikas ang mga Filipino sa kanilang opensa sa likod nina Larry Fonacier at Japeth Aguilar.

Nagtala ang Lithua­nians ng 12-of-32 shoo­ting sa three-point range.

Apat na tres ang isinalpak ni Sarunas Vingelis, habang may tatlo si Vidmantas Sragauskis  at tig-dalawa sina Arunas Sakalauskas at Arunas Vasiliauskas para sa home team.

Inaasahang uuwi sa Pilipinas ang Gilas trai­ning pool sa Martes, li­mang linggo bago sumabak sa 27th FIBA-Asia Championships  na naka­takda sa Agosto 1-11 sa MOA Arena sa Pasay Ci­ty at sa Ninoy Aquino Sta­dium.

Sa Turkey, tinalo naman ng koponan ng Turkey ang 2007 at 2009 FIBA-Asia champion na Iran, 63-71, sa kanilang friendly game.

 

Show comments