Ewing associate coach ng Bobcats

CHARLOTTE, N.C. -- Bibigyan ni Charlotte Bobcats owner Michael Jordan ang kanyang kaibigang si Patrick Ewing ng tsansa na maipagpatuloy ang kanyang NBA coaching career.

Nakipagkasundo ang Bobcats sa Hall of Famer pa­ra maging bagong associate head coach.

Ang 50-anyos na si Ewing, nakita sa coaching staff ng Orlando Magic sa nakaraang season, at si Jordan ay na­ging mag­kakampi sa USA Olympic ‘‘Dream Team’’ na kumuha ng gold medal noong 1992 sa Barcelona Olympic Games.

Show comments