SAN ANTONIO -- KaÂgaya sa Game 1, muÂling nakontrol ng San Antonio Spurs si Miami Heat superstar LeBron James sa Game 3 ng kanilang NBA best-of-seven championship series.
Ang tsansa ng Miami Heat na mapanatiling suot ang kanilang NBA title ay nakasalalay kung ano ang ilalaro ni James sa kaÂnilang serye.
Tumipa si James ng 15 points, ang siyam dito ay kanyang ginawa sa dulo ng third quarter kung saan nakalayo na ang San Antonio.
May 4 points lamang siÂya sa first half na unang nangyari matapos noong 2003.
At sa ika-10 beses sa kanÂyang career ay nabigo siyang tumira sa free throw line.
Huling nangyari ito noÂong 2009.
“I’m just missing shots,†sabi ni James. “They’re going under my pick-and-rolls, they’re daring me to shoot and anytime I get into the paint they’re putting two bodies in front of me. When I get in transition they’re putting two bodies in front of me. They’re doing a good job, but also I’ve got to be able to knock down shots. If I knock down shots, that would draw them closer to me and I’d be able to get into the lane.â€
Nilimitahan ng Spurs si James sa 18 points sa Game 1 at 17 points sa Game 2 at 15 points sa Game 3.
“We haven’t stopped anyÂbody,†sabi ni Spurs coach Gregg Popovich.
Hindi lamang si James ang napigilan ng San AnÂtoÂnio.
Hindi nakaiskor ang daÂlawang starters ng MiaÂmi na sina Udonis Haslem at Mario Chalmers.
Nagtala si James ng 7-for-21 fieldgoal shooÂting.
Naimintis din niya ang 10 sa 11 tira na karamihan ay mula sa mga jump shots.
“I’m hoping that he conÂÂtinues to miss shots,†paÂnalangin ni San Antonio guard Danny Green sa ilalaro ni James.