MIAMI – Interesado si Jason Kidd na mag-coach sa Brooklyn Nets at plano nitong kausapin ang team ngayong linggo, ayon sa isang source.
Inihatid ni Kidd ang Nets sa magkasunod na NBA Finals noong 2002-03 bilang player at interesado siyang palitan si P.J. Carlesimo, ayon sa source.
Ang kagustuhan ng point guard, kareretiro lamang, na mag-coach ng Nets ay unang ibinalita ng Yahoo Sports.
Tinapos ng 40-gulang na si Kidd ang kanyang career noong nakaraang linggo matapos ang isang season sa Knicks na kanyang ika-19 sa NBA.
Siya ay pangalawa sa career list sa assists at steals at ang franchise leader ng Nets sa playoff statistical categories.
Si Kidd, two-time Olympic gold medalist, ay dati pang kinokonsiderang isa sa matatalinong player ng NBA at sinabi ni Spurs coach Gregg Popovich na kaya niyang mag-coach.