MANILA, Philippines - Ang Jordan, bumigo sa hangarin ng Gilas Pilipinas na makapasok sa FIBA-Asia Finals noong nakaraang taon, ang inaasahang muling magiging balakid sa pangarap ng mga Filipinos na makamit ang top seeding sa kanilang grupo sa preliminary round ng 27th edition na nakatakda sa Agosto 1-11 sa MOA Arena sa Pasay at sa Ninoy Aquino Stadium sa Manila.
Bilang No. 4 sa rehiyon, umaasa ang mga Jordanians na mapalakas ang kanilang tsansa sa bagong programa ni foreign coach Vangilis Aleksandris.
Masayang tinanggap ni Aleksandris at ng kanyang koponan ang results ng draw noong Huwebes at sinabing handa sila sa kanilang mga makakalaban.
“If we aim to do what we did two years ago, we need to win against the top teams. So who the opponent is doesn’t really matter for us,†wika ng veteran point guard na si Wesam Al-Sous sa fibaasia.net.
Bilang host, pinili ng Gilas Pilipinas na makasama sa Group A ang Jordan, Chinese Taipei at Saudi Arabia sa first round ng prelims.
Ang top three sa grupo ang aabante sa second round laban sa top three buhat sa Group B na kinabibilangan ng Japan, Lebanon, Qatar at Hong Kong.
“It’s a good draw. And we will try hard to keep the pride of Jordan. I’m sure more success will come for Jordan,†wika naman ni assistant coach Yiannis Livano.
Kabubuo lang nina Aleksandris at Livano ng kanilang training pool at nais nilang magkaroon ng kombinasyon ng mga experienced players at mga batang talento sa FIBA world championships.