US Basketball nagtakda ng training para sa 24-players

COLORADO SPRINGS, Colo. – Magbabalik ang U.S. national basketball team ngayong summer sa Las Vegas,  kung saan sila nag-training para manalo ng dalawang Olympic gold medals.

Magkakaroon ng minicamp para sa 24 players sa July 22-25, na tatapusin ng intrasquad exhibition game sa July 25 sa Thomas & Mack Center ng UNLV.

Ihahayag ang mga players na kasama bago matapos ang buwan at inaasahang kasama dito ang mga sinasabing ‘rising NBA stars’ at ‘‘newly minted All-Stars.’

Maaaring makasama  ang ilan sa mga miyembro ng nakaraang Olympic gold medal  sa World Cup of Basketball na gagawin sa Spain o sa 2016 Olympic Games sa Brazil.

Nagsanay ang pito sa huling walong US basketball team sa Las Vegas.

 

Show comments