Gilas sisimulan na ang training camp sa Lithuania

MANILA, Philippines - Sisimulan na ng Gilas Pilipinas ang kanilang trai­ning camp sa Lithuania bilang preparasyon  sa 2013 FIBA Asia Championship na nakatakda sa Agosto sa Manila.

“Thirty practices in 15 days away from our families. It will not be easy. But this is what we signed up for – for history,” wika ni Reyes sa kanyang Twitter account matapos dumating sa nasabing dating Russian republic noong Lunes ng gabi.

“We came here liking each other. We will eat, sleep, and train together for 15 days until we grow sick and tired of each other. Warts and all,” dagdag pa ni Reyes.

Dumiretso si Reyes at ang 16-man Gilas delegation sa kanilang mga kuwarto sa Hotel Vanagupe sa seaside resort town ng Palanga bandang alas-10 ng gabi matapos ang isang 23-hour journey mula sa Manila.

Samantala, nag-training camp ang China sa Australia, habang may 26 players ang Iran sa kanilang kampo.

Sa Iran, inihayag ni coach Mehmed Becirovic ang kanyang training pool na pinamumunuan nina NBA player Hamed Haddadi, do-it-all star Nikkhah Bahrami at ve-teran campaigners na sina Mahdi Kamrani, Hamed Afagh, Hamed Sohrabnejad, Oshin Sahakian, Javad Davari, Asghar Kardoust at Arsalan Kazemi.

Paborito ang mga Chinese at Iranians sa 2013 FIBA Asia Championship na nakatakda.

Show comments