LOS ANGELES -- Nagretiro si seven-time All-Star Grant Hill sa NBA nitong Sabado makaraan ang 19 seasons na tumapos ng kanyang career na naabala ng ilang injury at may kasamang Olympic gold medal.
Inihayag ito ng Los Angeles Clippers na hindi na surpresa sa lahat dahil matagal nang nag-aalangan si Hill sa kanyang future matapos ma-eliminate ang kanyang team sa first round ng playoffs. May natitira pa siyang isang season sa kanyang contract.
“I’ve been hinting at it for the last few years and you get to a point where you just don’t want to do it anymore. But I’ve enjoyed it, I’ve loved it,’’ sabi ni Hill sa pagge-guest sa pregame show ng TNT bago ang Game 6 ng Eastern Conference finals.
Lumaro lang si Hill ng 29 games noong nakaraang season, ang kanyang unang season sa Clippers, ngunit nagbigay ito ng mahalagang presensiya sa koponan bilang beterano.
Ang 40-gulang na forward ay nag-average ng 16.7 points, 6.0 rebounds, 4.1 assists at 1.2 steals sa kanyang career kung saan lumaro siya sa Clippers, Detroit, Orlando at Phoenix.
“I’m certainly proud of what I’ve been able to do,’’ ani Hill matapos matalo ang Clippers sa Memphis noong nakaraang buwan.
Naapektuhan siya ng mga injuries partikular sa kanyang left ankle.