BOSTON -- Mananatiling nakabitin ang pagpapaÂlakas ng Celtics habang hinihintay ang plano ni forward Kevin Garnett para sa 2013.
Lumagda si Garnett ng isang three-year, $34 million contract noong nakaraang taon at nag-iisip kung saÂsailalim siya sa isang ankle surgery.
“Who holds all the cards? Kevin Garnett,†wika ni Jackie MacMullan ng ESPNBoston.com sa CSNNE’s UNO Sports Tonight show.
May mga spekulasyon na ite-trade ni Boston geneÂral manager Danny Ainge si Paul Pierce o bilhin ang kanÂyang $15 million contract para sa susunod na season.
Kung matutuloy ito, posibleng hindi na maglaro si GarÂnett sa Celtics.
Ngunit hihintayin muna ng Boston kung ano ang plaÂno ni Garnett bago magdesisyon kung ano ang gaÂgawin kay Pierce.