CHARLOTTE, N.C. -- Sinabi ni Steve Clifford na siya ang tao na hindi umuurong sa mga hamon.
Ipinakilala ng Charlotte Bobcats si Clifford bilang kanilang bagong head coach sa isang press conference.
Si Clifford ang pang-anim na coach ng Bobcats simula noong 2006-07 season at igigiya ang koponang may 28-120 record sa nakaraang dalawang seasons, ang pinakamasamang record sa NBA.
“Steve has worked quite a few years in this league and we feel very positive with that with our young competitive core that he is the right fit for us,’’ sabi ni Rod Higgins, ang Bobcats president of basketball operations.
Sinabi ni Clifford matapos ang pakikipagpulong kina Higgins at general manager Rich Cho noong nakaraang linggo na kumpiyansa siyang mapapalakas ang Bobcats.