MANILA, Philippines - Matapos ang kanyang panalo sa Philippine Golf FounÂdation Junior Masters sa Alabang GCC sa MunÂtinlupa, plano ni John Catalan na umakyat sa professioÂnal ranks sa susunod na taon.
Sinabi ni Catalan, nagwagi sa Class A division ng 15-17 years old category, na balak niyang sumali sa maÂraming amateur tournaments ngayong taon bago luÂmahok sa Qualifying School para maging pro golfer sa susunod na taon.
Tinalo ni Catalan si Harry Sytiongsa via playoffs sa 20th hole nang isalpak ang isang 6-foot birdie putt para kuÂnin ang titulo.
Ang nasabing panalo ni Catalan ay pinanood ng kanÂyang amang si Malabon/Navotas Chief Prosecutor Jorge “Jun†Catalan Jr. at kapatid na babaeng si Jenine.
Isang incoming sophomore nursing student sa University of Santo Tomas, nakakuha si Catalan ng tiket sa Junior Masters nang mamayani sa qualifying tournaÂment noong nakaraang buwan sa Camp John Hay Golf Course sa Baguio City.
Umabante naman si Catalan sa semifinal ng Match Play matapos talunin si Janzen Morilla.