MANILA, Philippines - Pinasimulan na ang ambisyosong programa patungkol sa Sports Science ng Philippine Olympic Committee (POC).
Ibinalita ni POC president Jose Cojuangco Jr. sa mga dumalo sa SCOOP sa Kamayan sa Padre Faura ang isinagawang screening sa may 300 National athletes para makita kung sinu-sino sa kanila ang puwedeng isama sa programang patatakbuhin ng binuong POC Sports Science team na tutulu-ngan ng Australian expert na si Rick Martin.
“May 300 athletes ang na-screen na para sa prog-rama. Ang mga Filipino ay likas na may talento at ka-yang lumaban. Pero sa panahong ito, hindi na ito sapat dahil ang buong mundo ay gumagamit na ng sports science sa kanilang pagsasanay. Kaya ito na ang landas na tatahakin natin,†ani Cojuangco.
Pero dahil limitado pa lamang ang pondo, hindi lahat ng kasapi sa National pool ang masasama kungdi ang mga atletang interesado at magpapakita ng disiplina.