Laban ni Cuello kay Zhao Zhong itinakda sa Hun. 28

MANILA, Philippines - Itinakda na ang paghahamon ni Filipino mandatory challenger Denver ‘The Excitement’ Cuello kay World Boxing Council minimumweight champion Xiong Zhao Zhong ng China sa Hunyo 28 sa Dubai, United Arab Emirates.

Sinabi ni WBC official Patrick Cusik kay WBC president Jose Sulaiman na pumirma na ng kanilang mga fight contract sina Cuello (33-4-6, 21 knockouts) at Zhong (20-4-1, 11 KOs) para sa kanilang cham-pionship fight.

Nakatakda ang kanilang press conference sa Hun-yo 6 sa Kunming, China.

Ito ang kauna-unahang laban ni Cuello para sa isang lehitimong world boxing crown matapos hu-mawak ng WBC International at silver minimumweight belts.

Nanggaling ang 26-anyos na si Cuello, tubong Cabatuan, Iloilo sa isang majority decision win laban kay Takashi Kunishige ng Japan noong Abril 7 sa Osaka, Japan.

Nasa isang 12-fight winning streak sa kasalukuyan si Cuello, huling natalo kay Juan Hernandez sa kanilang WBC minimumweight title eliminator noong Mayo 22, 2010 sa Mexico.

Nakamit naman ng 30-anyos na si Zhong ang bakanteng WBC belt matapos talunin si Javier Martinez Resendiz ng Mexico via unanimous decision noong Nobyembre 24, 2012 sa Kunming City Stadium sa China.

 

Show comments