3 golds sa gymnastics sa pagsisimula ng PNG

MANILA, Philippines - Tatlong gintong me­dalya ang kaagad pag-aa­gawan sa gymnastics event, habang lima naman ang nakataya sa canoe kayak at dragonboat sa pagsisimula ng 2013 Phi­lippine Olympic Commit­tee – Philippine Sports Com­mission National Games sa Mayo 20 hanggang Hunyo 2.

Ang mga paglalaba­nang ginto ay sa men’s at women’s singles bukod pa sa trios sa event na ae­robics sa Lunes.

Kasunod nito ay ang mga ginto sa artistics at rhyth­mic gymnastics.

 Apat na Fil-Americans naman ang inaasa­hang darating kahapon mu­­la sa Estados Unidos.

Ang tatlong lalaki at isang babaeng gymnasts ay mula sa Los Angeles, Ca­lifornia.

Sinabi naman ni canoe at dragonboat head coach Lenlen Escollante na hindi lamang gintong me­dalya ang nakataya sa ka­nilang event kundi p­ati na rin ang tsansang mapabilang sa National team.

 

 

Show comments