Azkals may 2 friendly games sa Hunyo

MANILA, Philippines - Lalabanan ng Philippine Azkals ang World 143rd ranked Kyrgyzstan sa isang friendly game bilang bahagi ng kanilang preparasyon para sa AFC Challenge Cup main draw sa 2014.

Makakaharap ng No. 144 na Azkals, nakamit ang top place sa Challenge Cup qualifiers Group E noong Marso, ang Kyrgyzstan sa Hunyo 8.

Gagawin ang laro sa Spartak Stadium sa Bishkek.

Ang laro sa Kyrgyzstan ay isa sa dalawang asignatura ng Azkals sa Hunyo.

Sasagupain din ng Azkals, nakapasok sa Challenge Cup main draw nang igupo ang Cambodia at Turkmenistan sa Group E, sa isa pang friendly game ang 151st ranked na Hong Kong.

 

Show comments