Aces lalapit sa titulo

MANILA, Philippines -  Lalapit pa ang Alaska Aces sa mithiing wakasan ang dalawang taong pagkauhaw sa titulo sa pagharap sa Barangay Ginebra sa Game Two ng 2013 PBA Commissioner’s Cup Finals sa Mall of Asia Arena sa Pasay City ngayong gabi.

Mataas ang kumpiyansa ng Aces na harapin uli ang hamon ng crowd-favorite team sa tagisang magsisimula sa ganap na ika-7:30 ng gabi matapos lumpuhin ang Gin Kings sa Game One noong Miyerkules sa 87-70 pananaig.

Sa best-of-five series inilagay ang Finals at nararamdaman ni Aces coach Luigi Trillo na pabor sa kanila ang pagkapanalo sa Game One.

“This is a short series,” wika ni Trillo. “When you look at it, the games are set every other day. They have to figure (us) out for Friday.”

Ang kandidato sa Best Import award na si Robert Dozier ay gumawa ng 22 rebounds upang isama sa 14 puntos, 3 blocks at 2 steals para manalo kay Gin Kings import Vernon Macklin na may 16 puntos sa limitadong siyam na attempts lang at 14 boards.

Bukod kay Dozier ay gumawa rin sina Carlo Jazul, Sonny Thoss, Calvin Abueva, JVee Casio at Cyrus Baguio para katampukan ang one-sided game.  

Ngunit higit sa match-up ng mga manlalaro, ang susi para manalo pa ang Aces ay itatak ang kanilang istilo ng laro na nakasentro sa depensa para alisin ang lakas ng tropa ni coach Alfrancis Chua na run-and-gun play at ang paghugot ng dagdag pu-wersa sa mga manonood.

“We need to play to our identity that is defense,” sabi pa ni Trillo.

Taong 2010 sa confe-rence na ito huling nakatikim ng titulo ang Aces at ito ay hatid pa ng dating coach na si Tim Cone.

Nangako naman si Chua na babangon.

 

Show comments