Waiters, Zeller nanguna sa All-Rookie team

CLEVELAND -- Sa ikalawang sunod na taon, nanggaling sa Cavaliers ang top rookie class ng NBA.

Hinirang si guard Dion Waiters sa NBA All-Rookie first team, habang kinilala naman si forward/center Tyler Zeller sa All-Rookie second team.

Noong nakaraang taon, ibinoto rin sina Kyrie Irving (first) at Tristan Thompson (second) ng 30 coaches ng NBA na hindi pinayagang iboto ang kanilang mga sa-riling players.

Ang Cavs ang natatanging koponan na may isa o higit pang player na nahirang sa nakaraang dalawang taon.

Ang Detroit ay may dalawang second-team selections ngayong season.

Tumanggap si Waiters ng 21 first-team votes at walong second-team votes.  Si Zeller ay may tatlong first-team votes at siyam na second-team votes.

Ang No. 4 overall selection na si Waiters ay nagtala ng mga averages na 14.7 points, 2.4 rebounds at 3.0 assists ngayong season.

Sa lahat ng mga rookies, pumangalawa siya sa points, ikaapat sa assists at pang-apat sa steals per game.

“I’m honored to receive an award like this and it makes me hungry to keep working hard and focus on taking the next steps to improve my game,’’ sabi ni Waiters.

Si Waiters ay sinama-han sa first team nina Damian Lillard ng Portland na NBA Rookie of the Year, Bradley Beal ng Washington, Anthony Davis ng New Orleans at Harrison Barnes ng Golden State.

Nagposte si Zeller ng mga averages na 7.9 points at 5.7 rebounds sa 26.4 minutes per game.

Show comments