Brandon Roy pinakawalan ng Timberwolves

MINNESOTA -- Pinakawalan ng Minnesota Timberwolves si Brandon Roy.

Ito ang inihayag ng Timberwolves sa kanilang official website.

Pumirma si Roy ng kontrata sa Timberwolves sa na­karaang offseason sa hangaring buhayin ang kanyang NBA career na pinaikli ng  chronic knee issues.

Ngunit nakita ng Minnesota na hindi na maibabalik ni Roy ang kanyang dating husay.

Nakita lamang si Roy sa limang laro bago sumailalim sa ilang knee procedures.

Ito na ang inaasahang magiging katapusan ng NBA career ng 28-anyos na si Roy.

Show comments