MANILA, Philippines - Handa na ang lahat para sa paglarga ng Hoops For Hope Program na pa-ngangasiwaan ng Filipino Basketball Academy at suportado ng Chooga Juice at Taos Puso Foundation.
Ang basketball clinic ay bukas para sa mga batang edad 12 hanggang 19 at iikot sa 30 barangay sa limang Siyudad sa Metro Manila na Caloocan, Valenzue-la, Pasig, Quezon City at Marikina City.
“This is more than just basketball because we also want to develop the right attitude for young kids that will help them cope up with the challenges in life,†wika ni coach Bernard Barcenilla sa pormal na paglulunsad ng programa kahapon sa Rizal High School sa Pasig City.
Nasa pagtitipon din ang Tao Corporation president Jun Sy, Refreshment Republic Inc. (RRI) chief executive Wilson Go, brand manager Abee Obag at vete-ran PBA at collegiate coach Koy Banal.
Nasa 200 bata ang inaasahang makikita sa bawat clinic na tatakbo mula Hulyo hanggang Marso ng 2014 at tiwala ang mga nasa likod ng proyekto na lalawig pa ang sakop nito sa ikalawang taon.
“Ito ang pupuno sa gap sa grassroots dahil tututukan ng programa ang mga nasa barangay. Ang long term plan ay lumawig ang sakop ng programa sa iba pang parte sa bansa upang mas marami ang makinabang.