MANILA, Philippines - Hindi pagbibigyan ng University of Santo Tomas ang naghihingalo nang Perpetual Help ngayon na tangka ang panalo na magbibigay sa kanila ng slot sa Final Four sa Shakey’s V-League Season 10 sa pagpapatuloy ng aksiyon sa The Arena sa San Juan.
Sasagupa ang Tigres-ses para sa krusyal na pa-nalo sa alas-4:00 ng hapong laban taglay ang 2-0 card at umaasa silang mapapantayan nila ang karta ng National U na naka-sweep ng Group I, para hindi na dumaan sa playoff kontra sa Lady Altas para sa huling semis seat sa First Confe-rence ng ligang sponsored ng Shakey’s.
Sa taglay na 1-1 slate, kailangan ng Perpetual, nanatili sa kontensiyon matapos igupo ang San Sebastian noong Martes, na manalo sa UST para makapuwersa ng playoff.
Ang tagumpay ng Perpetual ay magpupuwersa ng three-way tie sa unang puwesto sa 2-1 sa pagitan ng Adamson, UST at ng Las Piñas-based squad. Taglay ngayon ng Lady Falcons ang mas mataas na rank points na +7, ang UST ay +5 habang ang Perpetual ay +3.
Kung mananalo ang Perpetual ng tatlo sa 4-sets, makakakuha lamang sila ng +3 rank points na na-ngangahulugang ang ikatlong semis slot ay mapupunta sa Adamson kaya ang UST at Perpetual ay magpe-playoff para sa huling Final Four berth sa tournament na suportado ng Mikasa at Accel.
Siguradong pagpupursigihan ng Tigresses ang mahalagang panalo.
Natakasan ng UST ang mahigpit na hamon ng Adamson para kunin ang makapigil hiningang five-set victory noong Linggo sa tulong nina Pam Lastimosa at Ingrid Reyes.
Umaasa rin si coach Odjie Mamon na ibibigay lahat nina Aiza Maizo, Maika Ortiz, Carmela Tunay, Jessey de Leon at setter Rhea Dimaculangan.
Ngunit sisikapin ng Lady Altas na i-sustain ang momentum mula sa kanilang malaking tagumpay kontra sa Lady Stags sa tulong nina Ho-ney Rose Tubino, Joy Ca-ses, Norie Diaz, April Sartin, Sandra delos Santos at setter Arriane Argarin.