MANILA, Philippines - Pagkatapos ng matagumpay na pagdaraos ng PBA All-Star Week nitong nakaraang linggo sa Digos City, Davao Del Sur, balik aksyon na sa PBA Commissioner’s Cup ngayon sa pagpapatuloy ng Cebuana Lhuillier playoffs sa pamamagitan ng kahuli-hulihang doubleheader ng liga.
Sa parehong Game 3 ng kani-kanilang best-of-five semifinals, maghaharap ang San Mig Coffee at Alaska sa alas-5:15 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum na susundan naman ng bakbakang Talk ‘N Text at Barangay Ginebra sa alas-7:30 ng gabi.
Parehong tabla sa 1-all ang dalawang serye.
Magpaparada ng bagong import ang Tropang Texters sa katauhan ni Tony Mitchell na papalitan na ang seven-footer na si Jerome Jordan.
Nakalistang 6’6 lamang si Mitchell na malamang ay magiging pinakamaliit na import sa conference kapag pormal nang nasukatan pero galing ito sa NBA D-League kung saan siya ang nahirang na Rookie of the Year at naging second-leading scorer ng regular season. Nag-average ito ng 22.1 puntos sa 50 laro para sa Fort Wayne Mad Ants at siya din ang reigning Slam Dunk champion ng liga.
Ayon kay TNT head coach Norman Black, ang injuries nina Kelly Williams (blood disorder), Jared Dillinger (hip bone fracture) at Jimmy Alapag (calf strain) ang dahilan sa desisyon nilang kumuha ng mas maliit at mas offensive-minded na import.
“Originally we were to use him as our third conference import but because of recent developments in our team, we will now use him in our series vs. Ginebra…We will have to find out quickly how to use the offensive skills of Mitchell since he has a reputation of being an explosive scorer,†pahayag ni Black.
Pero dahil sa pagkuha nila ng mas maliit na import, alam ni Black na magiging problema nila ang pagdedepensa sa lumalakas na 6’10 import ng Kings na si Vernon Macklin. “How to defend Macklin will be our No. 1 concern, †wika na Black.