MANILA, Philippines - Angat pa rin ang kaÂbaÂyong The Reason Why kung mapapalaban sa mga kabayong nasa Class Division I.
Ito ang naiÂpakita ng The Reason Why maÂtapos dominahin ang waÂlong kabayong kumarera na piÂnaglabanan sa distansÂyang 1,300 metro noong MiÂÂyerkules sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Si Jonathan Hernandez ang dumiskarte sa kaÂbayo sa ikatlong pagkakaÂtaon at nakuha niya ang paÂnalo sa unang karera sa buÂwan ng Mayo.
Naorasan ang The Reason Why ng tiyempong 1:24.6 sa kuwartos na 7’, 24, 25, 28 kuwartos paÂra maisantabi ang hindi pagtimbang ng kabayo noÂong Abril 16 at 25 sa pagdiskarte ni Hernandez.
Patok ang nanalong kaÂbayo at ang hiniya ay ang hindi gaanong nasipat na Stunning Success na haÂwak ni Karvin MalapiÂra.
Pumang-apat ang kaÂbayo sa huling takbo sa pagÂdadala ni Malapira at rumemate lamang ito para sirain ang naunang balikatan ng The Reason Why at ang second choice na Kat Kat.
Halagang P11.50 ang ibinigay ng win ng The Reason Why, habang ang deÂhadong pumangalawa paÂra sa 3-4 forecast ay inaÂbot pa ng P137.00 dibiÂdendo.
Sa pamamagitan naman ng panalo inanunsÂyo ng Kidney’s Magic ang kanyang pagbabalik sa karera nang manalo sa 4YO-3YO-Maiden race na inilagay din sa 1300m distance.
Second choice ang kaÂbayong sakay ni Dan Camañero na galing sa dalawang vicious at barrier race sa buwan ng Abril.
Pero kondisyon ang kaÂbayo at maayos na tuÂmakÂbo para maisantabi ang malakas na pagdating ng Zapima ni Jessie Guce at top choice kasama ang coupled entry Pearlescence na hawak ni JB Bacaycay.
Sa huling 200 metro nag-init muli ang Kidney’s Magic para manalo pa ng halos tatlong dipa sa meta.
Ang winning time ay 1:21.4 sa kuwartos na 7, 23’, 24’ at 26’ upang saluÂbungin ng maganda ang unang karera sa bagong buÂwan.
Umabot ang ipinamahaging dibidendo sa win sa P20.00, habang ang 7-9 forecast ay nasa P18.00.