Accel-PBA Press Corps Player of the week

MANILA, Philippines - Si Kerby Raymundo ng Barangay Ginebra ang pinakahuling beterano ng liga na nahirang ng PBA Press Corps bilang Accel Player of the Week.

Pagkatapos nina Mick Pennisi ng Barako Bull, Dondon Hontiveros ng Alaska at Mike Cortez ng Air21, si Raymundo naman ang binigyan ng naturang parangal para sa linggong Abril 22-29.

Hindi nawala sa radar ng PBAPC ang pag-improve ng averages ni Raymundo mula 7.3 points, 4.8 rebounds at 0.8 apg sa eliminations sa 13.5 points, 7.5 rebounds at 1.5 assists sa quarterfinals kung saan na-upset ng No. 7 na Kings ang No. 2 seed na Rain or Shine.

At sa kasalukuyang best-of-five semifinals ng Barangay Ginebra laban sa No. 6 seed at Philippine Cup champion Talk ‘N Text na tabla sa tig-isang laro, si Raymundo pa rin ang nagbibida sa mga locals para sa Kings sa kanyang 15.5 points, 8.0 rebounds at 2.5 assists, malaking bagay kung bakit lumalaban pa rin ng husto ang Kings.

Show comments