19-karera pa ang ipinanalo ng mga kabayo ni Tupas

MANILA, Philippines - Nagdagdag pa ng 19 panalo ang mga kaba-yong sinasanay ni Ruben Tupas para magpatuloy ang dominasyon ng batikang trainer sa kanyang hanay.

May 49 panalo na bukod sa 33 segundo, 30 tersero at 25 kuwarto puwestong pagtatapos, si Tupas ay kumuha na ng P934,838.35 kita at patuloy na nakalayo sa ibang trainers na sina DR Dela Cruz at Jecli Lapus.

Sa buwan ng Marso ay kumumbra ng mahigit sa P300,000.00 premyo si Tupas, ang trainer na makailang-ulit na lumabas bilang Trainer of the Year.

Nasa ikalawang puwesto pa rin si Dela Cruz na ngayon ay mayroong 32-34-37-28 una hanggang ikaapat na puwes-tong pagtatapos sa mga sinanay na kabayo.

Nangahulugan ito ng P599,722.66 kita.

Si Lapuz ay may P416,490.97 mula sa 19 panalo, 29 segundo, 31 tersero at 32 kuwarto puwestong pagtatapos.

Lumundag naman si RR Rayat mula sa dating ikawalong puwesto tungo sa pang-apat.

Siyam na kabayo na kanyang hinawakan ang nanalo para katampukan ang 21-19-17-16 karta at hawakan ang P342,211.93 premyo.

Si MM Vicente ay bumaba sa isang baytang tungo sa ikalimang puwesto habang sina AC Sordan Jr., RR Henson, Conrado Vicente, JC Pabilic at DS Sordan ang nasa unang sampung puwesto sa talaan.

May P342,000.49 si Vicente sa 23-11-22-23 baraha; si Sordan ay ku-mabig na ng P320,118.53 sa 22-14-15-19; si Henson ay may P317,343.97 sa 13-22-25-18; si Vicente ay may P302,428.94 sa 14-24-26-21; si Pabilic ay may P300,657.20 sa 17-18-15-11 at Sordan na may P282,652.54 sa 17-16-20-3.

Ang batikang horse owner na trainer din na si Hermie Esguerra ay kasalukuyang nasa ika-21 puwesto sa P186,939.78 sa 13 panalo, 9 segundo, 1 tersero at 5 kuwarto puwesto.

Show comments