MANILA, Philippines - Kinuha ng Rabble Rouser ang panalo sa pinagÂlaÂbanang PCSO Special Maiden Race kahapon sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.
Sa distansyang 1,200 metro isinagawa ang karera sa haÂnay ng limang kabayo matapos ma-scratch ang Green Lover na dapat ay sasakyan ni Mark Alvarez.
Ang Daragang Magayon ni Jeff Zarate ang naunang nagdikta ng tiyempo, habang naÂkaÂbuntot lamang ang Rabble Rouser na hawak ni JoÂÂnathan Hernandez bukod pa sa Blue Angel ni JA Guce.
Sa kalagitnaan ng karera ay nasimulang uminit ng Rabble Rouser para magkadikdikan na sila ng DaÂragang Magayon.
Pagpasok sa rekta ay sabay na halos ang takbo ng dalawa bago bumulusok patungong meta ang kabayo ni Hernandez.
Matuling 1:10 ang tiÂyempo ng kabayo sa distansya sa kuwartos na 23, 21, 26, at kinabig ng tambalan ang unang gantimpalang P600,000.00 mula sa P1 milyong premyo.
Nagkaroon ng dagdag na P50,000.00 ang breeÂder ng nagwaging kaÂbaÂyo.
Ang Daragang MagaÂyon ang pumangalawa sa datingan para sa P225,000.00 kasunod ang Grand Charmer ni Val Dilema paÂra sa P125,000.00.
Kinumpleto ng Blue Angel ni JA Guce at GolÂden Boot na nirendahan ni Antonio Alcasid Jr. ang datingan.