Sneakers ni LeBron ibinebenta para sa charity

MIAMI -- Sinusubukan ni NBA MVP LeBron James na makaipon ng pondo para sa mga naging bik­ti­ma ng December massacre sa Sandy Hook Elementary School.

Ang kanyang suot na sneakers sa laro ng Miami laban sa Washington noong Disyembre 15 - isang araw ma­tapos ang nasabing trahedya sa Newtown, Conn., kung saan 20 first-graders at anim na guro ang napatay - ay ibinebenta sa online auction hanggang Sabado.

Ang malilikom na pondo ay ibibigay ni James sa New­town Memorial Fund sa pamamagitan ng LeBron James Family Foundation.

Ang pirma ni James ay nasa isang sapatos, habang sa isa naman ay may nakasulat na ‘’vs. Wizards 12/15/12 Never forget!!’’ .

Humigit-kumulang sa $5,000 ang magiging presyo ng sapatos ni James.

Show comments