MANILA, Philippines - Lumapit sa isang panalo ang Blackwater Sports paÂra makopo ang mahalagang insentibo na ibibigay sa dalawang mangungunang koponan matapos ang eliÂminasyon nang kalusin ang EA Regens, 71-67, sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Blue Eagle Gym sa Katipunan, Quezon City.
Nakahirit ng mahalagang three-point play si Justine Chua sa huling 26 segundo upang ang isang puntos na kalamangan ay maging apat na sapat na para tuhugin ng Elite ang ikalimang sunod na tagumpay.
Higit dito, ang panalo ay ikapito sa walong laro at kaiÂlangan na lamang ng tropa ni coach Leo Isaac na maÂnalo sa NLEX sa sunod na laro para maÂkaabante na sa semifinals.
May 11 puntos at 9 boards si Chua at siyam rito ay ginawa sa second half para manaig sa tagisan nila ni Ian Sangalang na tumapos taglay ang 14 puntos at 13 rebounds.
Si Gio Ciriacruz ay namuno sa Elite sa 17 puntos, haÂbang 15 puntos, l0 rebounds at 9 assists ang hatid ni Allan Mangahas.
Ang Team Delta na humugot lamang ng limang punÂtos at siyam na rebounds ay bumaba sa 4-3 baraha kaÂsalo ang Fruitas sa ikalima at anim na puwesto.
Ang tagumpay ay tumabon sa nakawan na nangyari sa locker room ng Elite.
Kinuha ng Boracay Rum ang ikalawang sunod na paÂnalo at 5-3 karta sa pangkalahatan nang padapain ang Café France, 55-50, sa isa pang laro.