MANILA, Philippines - Nasilat ang mga pinaborang tatlong taong gulang na kumarera sa dalawang handicap races na idinaos noÂong Linggo sa Metro Turf Club Inc. sa Malvar, BaÂtangas.
Unang nalaglag ay ang Handsome Hunk na tumakbo sa race one na isang NGH 3-YO Handicap 1 race na nilahukan ng limang kabayo.
Outstanding ang kabayong diniskartehan ni JB CorÂdova at pumangalawa sa huling takbo pero tila waÂla sa kondisyon ang tambalan at tumapos lamang sa ikatlong puwesto sa 1,600 metrong distansya.
Ang kumuha ng panalo ay ang pinakadehadong MaÂgic Of Music na ipinagabay sa apprentice jockey na si RV Poblacion at ang kabayo ay pinatawan ng piÂnakamagaan na handicap weight na 50 kilos.
Nasa ikalawang puwesto sa pagbukas ng aparato, kiÂnuha ng Magic Of Music ang unahan sa kalagitnaan ng karera habang ang Wise Decision ang siyang nagbigay ng hamon.
Sa rekta ay nakuha ng Wise Decision na sakay si AR Villegas ang liderato pero panandalian lamang ito daÂhil binalikan siya ni Poblacion bago nagtuluy-tuloy sa meta ang Magic Of Music.
Bumenta lamang ng P151,878.00 sa 1st Winner-Take-All na inabot ng P2,828,564.00, ang Magic Of MuÂsic ay naorasan ng 1:42 sa pinaglabanang distansya muÂla sa kuwartos na 27, 24, 23’, 27’.
Sunod na nadisgrasya bilang paboritong kabayo ay ang Appointment na dinala ni Jessie Guce at tumakbo sa NGH 3YO Handicap 4 sa distansyang isang milya rin.
Scratch ang Humble Submission, habang nalaglag si Villegas sa ibabaw ng kabayong Fourth Dan matapos ang pagbukas ng aparato.
Pero walang suwerte ang kabayong pumang-apat sa Philracom Chairman’s Cup noong Marso dahil hindi niya inabutan ang nagwawala sa unahan na Keep The Pledge ni jockey EG Reyes.
Banderang-tapos ang Keep The Pledge at nakatulong din ang pagpapagitna ng Fourth Dan sa nauunang kaÂbayo at ang naghahabol na Appointment.
Kinailangan pang ilabas ni Guce ang kaÂbayo at nakaapekto ito sa ginawang paghahabol.
Ang win ng Keep The Pledge ay pumalo sa P42.00, habang P275.50 ang ganansya sa 3-2 forecast.