Detroit nakuha ang tiebreaker

NEW YORK -- Nakamit ng Detroit Pistons ang isang tiebreaker laban sa Washington Wizards na nag­pa­lakas sa kanilang tsansa para makuha ang No. 1 pick sa NBA draft.

Parehong tumapos ang dalawang koponan na may 29-53 record ngayong season.

Ang Pistons ay may 36 tsansa para sa lottery at may 35 naman ang Washington.

Naresolba ng NBA ang tatlo pang pagtatabla sa pa­mamagitan ng random drawings noong Biyernes.

Inungusan ng Philadelphia (34-48) ang Toronto pa­ra sa tiebreaker, habang dinaig ng Houston (45-37) ang Chicago.

Show comments