MANILA, Philippines - Tuluyan nang ipinagkaloob ng World Boxing OrÂgaÂnization ang regular na minimumweight title kay Filipino fighter Merlito Sabillo.
Ito ay base sa pinakahuling ulat sa rankings ng WBO website.
Ang dating WBO minimumweight champion na si Moises Fuentes ng Mexico ay ang No. 1 contender paÂra sa light flyweight division kung saan ang nagdeÂdepensang kampeon ay si Donnie ‘Ahas’ Nietes.
Tangan ni Sabillo ang 21-0-0 win-loss-draw ring reÂcord kasama ang 11 KOs.
Tinalo ni Sabillo si No. 1 ranked Luis de la Rosa (21-1-1) ng Columbia noong Maso 9 para sa interim title via 8th round TKO.
Sa pag-akyat ni Fuentes sa light flyweight class ay binakante nito ang kanyang minimumweight belt.
Nauwi sa draw ang paghahamon ni Fuentes kay NieÂtes noong Marso 2 sa Cebu.
“I’m very happy with this development because it came during a time when Philippine boxing is down with the recent loses of Brian Viloria and Nonito DoÂnaire. We’re happy to add another world champion for the Philippines,†wika ni ALA Boxing Promotions president Michael Aldeguer.